After college

After college, natutunan ko:

Una. Na kahit napatayo ka ng ilang ulit sa Chemistry class ni Dr. A. dahil hindi mo nasagot ng tama yung mga nerve-wracking at tricky questions niya tulad ng, “What is matter?” eh may pag-asa ka pa ring maging productive at matinong citizen ng Pilipinas;

Ikalawa. Na hindi Calculus ang pinakamahirap na subject kundi P.E. (Dance) dahil kailangang magpresent sa dulo ng semester at makita ng buong school na nasira yung back drop ninyo dahil sa pagmamadaling itago ang mukha sa kahihiyan ng mga hindi nabiyayaan ng talentong sumayaw; na ikaw bilang host eh magpapatawa na lang;

Ikatlo. Na kahit dumaan ka pa sa training ng malulupit na English at Filipino professors ng unibersidad ninyo para sa Inter-campus speech competitions, mauubusan ka pa rin ng Ingles, idiomatic expressions at paksa kapag ang boss mo ay native English speaker; madalas ngumingiti at tumatawa ka na lang kahit ‘di mo lubos na naiintindihan ang sinasabi;

Ikaapat. Na hindi madaling kumita ng pera; maging ang mga mangangalakal ng basura maghapon naglalakad at naghahanap ng mabebenta;

Ikalima. Na may mga classmate kang akala mo walang patutunguhan, late lagi sa klase o ‘di kaya absent lagi ngunit mauungusan ka pa sa career opportunities; dapat mong tanggapin ‘yon;

Ikaanim. Na totoo ‘yung sinabi ng dating Health Secretary, “Fast foods can make you fat, they are full of fats” (tataba ka nga);

Ikapito. Na hindi dapat nagje-jaywalking, may nasawi na dahil ‘di sumunod dito;

Ikawalo. Na dapat matutunang magmove-on (sa maraming bagay);

Ikasiyam. Na madaling lumipas ang panahon, ‘di mo mamamalayan dahil wala ka ng school calendar na sinusundan, may sarili ka na kasing kalendaryo na sa ayaw mo at ayaw mo dapat mong bitbitin;

Ikasampu. Na ‘di lahat ng pinaniwalaan mo totoo; tulad ng idinikta ng utak mo bilang sagot sa tanong sa una, “Matter is anything that has mass and weight.”

Advertisements

Author: Benre J. Zenarosa

Lasallian Scholarum Award-winning essayist

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s