Sa ating dalawa

umuulan…
nasaan…?

ilang tula na rin ang naialay at naisulat
habang sa isipan ngiti mo’y nagmumulat
kung anong sunod na sasabihin at
bibigyang-buhay

ilang beses nang pinilas ang mga pahina
ng kuwaderno na minsan mong hinalikan
nang mabasa ang pangalan na, oo, sa
nakalipas na panahon ay walang
sawang binigyang-kulay

ginamit ang mga titik upang malaman
ang umpisa at malirip ang mga kalaliman
ng pagsinta na nagliyab sa pagasa nang
isang beses ay pinigilang umalis sa harapan –
“Nandito ako…”

ang sabi mo noon, ngunit narito hanggang
ngayo’y naaalala ang mga pangako ng pagiisang
dibdib, ang paghamak sa mga yugto ng
nakaraan na itinuring na walang
puwang kahit anino

ng namamagitan sa atin, ngunit hindi…

isang araw sinabi mong babalikan mo siya
at aasa ng magisa sa pagtanggap niya,
sa yakap niya, sa muli niyang paghagkan,
sa tinig na noong una’y kinamuhian mo’t
pilit binura sa isipan, nang
tuluyang kumawala

at heto, muli, ako’y binabati ng mga patak ng
ulan, tinatanong kung nasaan ka, kung
anong nangyari sa ating dalawa
at kung paano wawakasan sa
huling titik ng ‘yong
pangalan

aasa…

Advertisements

Author: Benre J. Zenarosa

Lasallian Scholarum Award-winning essayist

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s