Na-‘Kita Kita’

“Siyam na beses din akong aasa na hudyat ito sa muling pagtitiwala nating mga Filipino na kaya nating makagawa ng quality films na tatangkilikin at pararangalan maging sa international stage.”

Advertisements

HAYAAN MONG gaya nina Tonyo at Lea, magbibilang ako:

Isa. Isa kang rebelasyon, Empoy. Pinahanga mo kami. Matagal ko nang naisip na higit ka pa sa pagiging komedyante, isa kang artista. Naramdaman ko ‘yon noon dahil ‘ika nga nila, kapag komedyante ka, marami kang hugot, maraming pinagdaanan. Salamat pinatawa mo ‘ko sa sinehan kasama ang pamilya ko ng ilang beses. Maraming pinaiyak ang sulat mo.

Dalawa. Dalawang tanong ang nabuo sa isip ko habang pinapanood kita, Alex: una, umarte ka ba?; pangalawa, bakit parang ang tagal n’yo nang magkasama ni Empoy? Parang ang nangyari eh tinapatan ka ng camera, kinilig at lumabas ang dimple nang natural, at ayun! pelikula. Salamat sa mga patak ng luha mo sa dulo ng obra. Hanggang ngayon, hindi makamove-on yung ate ko sa napanood niya.

Tatlo. Tatlong elemento ang kapansin-pansing angat ang pelikula: unexpected love team, cinematography, at pacing. Pang-international yung dating. Salamat direk Sigrid Andrea Bernardo. Isa kang alamat! Hinangaan ko ang bawat eksena at anggulo. Nakagawa ka ng isang produkto na may kombinasyon ng lahat ng mga nabanggit na kinunan sa ibang bayan.

Apat. Apat ang producers ng pelikula: Piolo Pascual, Direk Joyce Bernal, Erickson Raymundo at Suzanne Shayne Sarte. Maraming salamat sa pagtaya. Sa panahon na nilalangaw ang industriya ng pelikulang Filipino eh naglakas-loob kayong gumawa, magisip, at magpuyat. Salamat sa pagpapanumbalik ng tiwala sa talento natin bilang mga storytellers at creators. Salamat sa respetong ibinigay ninyo sa aming mga manonood. Nabusog kami sa halakhak, lungkot, musika, saging, puso, at tunog ng kampana.

Lima, Anim, Pito. Naglalaro dito ang dami ng beses na pinaalalahanan ko ang nanay ko sa pagbibigay niya ng komento sa mga eksena. Madilim ang sinehan, maraming tao, at oo libre ang senior citizen sa sine sa Makati area.

Walo. Walong minuto bago mag-umpisa, ang haba ng pila para makabili ng cheese popcorn. Sa pagmamasid sa paligid, ilang dipa lang ang layo ng ilang tv personalities na nagaabang: Julius Babao, Bubbles Paraiso, Raymond Gutierrez. Physically fit na nga si Raymond gaya ng nabalita.

Siyam. Siyam na beses kong pinanood ang trailer. Siyam na beses din akong umasa na sana maging blockbuster movie ito ngayong taon matapos ipull-out last minute sa MMFF 2016. Siyam na beses din akong maniniwala na hudyat ito sa muling pagtitiwala nating mga Filipino na kaya nating makagawa ng quality films na tatangkilikin at pararangalan maging sa international stage.

Sampu. Sampung milyong piso ang budget ng pelikula. Inasahan ng mga producers na kikita ito ng 50 hanggang 60 milyong piso. Sa huling ulat, umabot na ito sa 200 milyong piso. Samantalang hindi ang takilya ang sukatan ng value ng isang work of art, gaya ng pangunahing karakter nito sa una, may higit pa sa nakikita ng mga mata. May ipinaramdam ang ‘Kita Kita’ sa mga manonood na matagal nilang hindi naramdaman sa ipinalabas na mga pelikula sa Pilipinas.

Author: Benre J. Zenarosa

Benre J. Zenarosa is a Lasallian Scholarum Award-winning essayist from Manila, Philippines. He loves writing stories and letters in his head while riding a jam-packed train on his way to work.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s