Tanaw

Pilit niyakap ang katahimikan
sa pagitan, sa kawalan ng
salita na nag-uugnay sa
mga kaluluwa

Naglaho ang dating pagsinta,
ang galak sa puso sa tuwing
naririnig ang tinig, ang
tuwa na hindi maisaysay
ng bibig

Dumarating ang araw na
gaya ng magnanakaw –
pino ang kilos, tumakas ang
kaluskos, ‘di mabanaag na
pagbabadya

Dito natatapos ang lahat –
sa paggapos sa idinidikta
ng puso, sa pagkitil sa pagasa
ng pagsasama, sa pagtitig sa mata
nang ilang sandali pa at ang pagtalikod
sa mga pangarap na hinabi ng panahon

Nagtatalo ang isip kung saan nagkamali,
kung anong dapat baguhin, ang dapat ibawas
at idagdag sa sarili, bagama’t nalalaman na
wala nang iba sapagka’t iniisip na ang pagdating
ay dulot ng taimtim na paghihintay,
sa pagiwas, sa kusang pagtalima

Nguni’t ipakikilala ng araw ang
nakatakda, ang nararapat maganap, ang
hindi maabot ng tanaw, ang nasa
malayo – ang hiling
sa dalangin.

Advertisements

Author: Benre J. Zenarosa

Benre J. Zenarosa is a Lasallian Scholarum Award-winning essayist from Makati, Philippines. He loves writing stories and letters in his head while riding a jam-packed train on his way to work.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s