Sa ating dalawa

umuulan…
nasaan…?

ilang tula na rin ang naialay at naisulat
habang sa isipan ngiti mo’y nagmumulat
kung anong sunod na sasabihin at
bibigyang-buhay

ilang beses nang pinilas ang mga pahina
ng kuwaderno na minsan mong hinalikan
nang mabasa ang pangalan na, oo, sa
nakalipas na panahon ay walang
sawang binigyang-kulay

ginamit ang mga titik upang malaman
ang umpisa at malirip ang mga kalaliman
ng pagsinta na nagliyab sa pagasa nang
isang beses ay pinigilang umalis sa harapan –
“Nandito ako…”

ang sabi mo noon, ngunit narito hanggang
ngayo’y naaalala ang mga pangako ng pagiisang
dibdib, ang paghamak sa mga yugto ng
nakaraan na itinuring na walang
puwang kahit anino

ng namamagitan sa atin, ngunit hindi…

isang araw sinabi mong babalikan mo siya
at aasa ng magisa sa pagtanggap niya,
sa yakap niya, sa muli niyang paghagkan,
sa tinig na noong una’y kinamuhian mo’t
pilit binura sa isipan, nang
tuluyang kumawala

at heto, muli, ako’y binabati ng mga patak ng
ulan, tinatanong kung nasaan ka, kung
anong nangyari sa ating dalawa
at kung paano wawakasan sa
huling titik ng ‘yong
pangalan

aasa…

Hanggang sa dulo

Nabuwal na minsan sa paghabol sa’yo,
Nagtanong kung tunay bang ikaw at ako –
Sa dulo, mamahalin ba o lilimutin din?
Gaya ng iba na napagod pagsapit ng dilim?

Paglisan

Umaga’t gabi’y ginugunita ang mga alaala,
Saksi ang ulan, araw, buwan, at mga tala,
Upang manatili ang pagibig tuwituwi na,
Sa paglisan mo’y lihim na nangungulila.

Bago pa man

Nahumaling bago pa man nalaman ang pangalan,
Bago nginitian nang magkasalubong sa daan,
Noong wala pang ibang kakilala o kaibigan,
Bago pinisan ang mga bituin sa kalangitan.

Sasamahan kita

sasamahan kita sa unang taglamig sa ibang bayan, sa pagngiti nang sa wakas gapusin ng iyong kamay ang mga unang patak ng niyebe mula sa kalangitan

sasamahan kita sa mga paglalakbay, sa mga bundok, burol, ‘di kilalang daan, mga bagong bagay, tao, at pambihirang karanasan

sasamahan kita sa iyong mga pagtangis, sa mga pangamba, sa pag-abot sa mga bituin, sa paghiling sa mga bulalakaw, at sa bawat pagyapak ng iyong mga paa sa dalampasigan

sasamahan kita sa pagyakap ng ulan sa mga lansangan, sa pagsaksi sa lagablab ng araw sa umaga, at sa dahan-dahang paghalik ng dilim sa pisngi ng dagat

hayaan mong samahan kita.

Dear Boy who’s named after Superman

Dear Boy who’s named after Superman,

From the moment
We laid our eyes on you
We imagined the great things
We’ll do together and we
Knew something was real:

You got us with your smile, Kent.

Every time we held you
Your warmth ruled us with
Pure, unpretentious love
A feeling that God has
Reserved for us.

You travelled with us, talked to us
In a language that at first we
Couldn’t understand
But the joy in between us
Bridged the gap.

We were given two years to enjoy
Each other’s company
It was a short time
We will surely miss you.

We’ll miss how you stare at us
How you tried to mimic how we speak
How you embraced us with
Your soft, tiny arms
How we held hands when
You had your first walk.

We’ll miss how an icing
Covered your face on
Your birthday and your
Dimples made our day.

We’ll miss your sincerity
Your voice, your peace
Your laughter in times of
Chaos and celebration.

We’ll remember you for all these
For the adventures that
We shared together.

And everyday we thank God
For meeting you
For witnessing your
Extraordinary journey.

You will always be our Superman
Our little boy with an imaginary
Cape made from heaven.

Love you always,
Your family

Fallin’

On this day, he gave her a flower as one should,

With a poem unlike no other because he could,

She loved its scent like a lively butterfly in a garden,

And in a sea of strangers, she whispered, “I’m fallin’.”