First love

THERE ARE emotionless and soulless entities in the world that you have to live with. They will suck everything that you have until you can no longer recognize who you really are. They will try to fit you in the same box that the men and women before you had to endure. Don’t let them stop you. Please write, compose, draw, paint, innovate, and create. Challenge this world’s perspectives and have the courage to go against the tides with a clenched fist and a roaring heart even in silence.  And when you doubt yourself and that nobody seems to care, remember the reason why you accepted the fight. Embrace your first love, recognize your gifts, listen to the voice deep within your core… Never settle. Never give up.

Bata

Bata – nagpapaalala sa’yo na noon:

Inisip mong kaya mong lumipad gaya ni Batman, pero, mali ka pala dahil may Bat Mobile si Batman, hindi lumilipad kahit saan gaya ni Superman;

Lahat, itinuring mong kalaro – ‘yung kamag-anak, kapit-bahay at maging nagkakara-krus sa kanto;

May gumagawa ng projects mo. Ngayon sa utak mo mismo galing ang proyekto;

Nag-try kang ipunin lahat ng enerhiya sa katawan at ilagay lahat sa isang hintuturo para sa Raygun, ngunit, walang lumalabas, kahit naisalin na sa’yo ng lahat ng kalaro mo ‘yung spirit power nila, ayun! naisip ninyong naglolokohan lang kayo. Tumirik na ‘yung mata ninyo sa kakatitig, walang nangyari. Ibang laro na lang, ‘yung may Kamehame Wave, sabay sipa, batok, tadyak sa kalaban;

May malaking puno malapit sa inyo, inisip ninyong magkakalaro na may duwende at tirahan ng maligno, kaya naghanda kayo ng panlaban – potion na may bawang, sibuyas, alateris, asin, paminta, at kung ano pang nasa Bahay Kubo. May game plan – aatake kayo ng alas-sais ng hapon o sa takipsilim o bago pauwiin ‘yung Mama’s Boy sa grupo. Kapag naisagawa na ang plano, magtatakutan kayo. Niloko n’yo na naman sarili n’yo;

May burot lagi sa laro. Ngayon, ‘di mo na maasar, dahil malaki pa sa’yo. Baka bigla kang itali sa poste ng Meralco;

Ang liit pala ng bola na gamit ninyo noon. Akala mo ang lupet mo na, dahil dakot mo ‘yung bola. Dinadakdakan mo ‘yung ring sa inyo, sabay sabing, Gori! o In your Face! Hanggang lay-up at jump shot ka na lang ngayon sa tunay na court. Point guard ka na lang. Dati center ka, ang liit mo pala;

OK lang na may uhog sa ilong (o braso matapos subukang tanggalin) o kahit walang brief. Ang cute mo, ang sabi nila. ‘Pag ginawa mo ‘yon ngayon, kadiri ka. Rapist. Exhibitionist tawag sa’yo;

Busog ka na sa Zest-O with mamon o sa soup na pinipilit ipaubos sa inyo ng teacher mo, kundi abono ka;

Pinipilit kang patulugin ng panganay ninyo sa hapon. Samantalang ngayon, ‘di ka na makatulog sa dami ng bagay na nasa utak kahit gustuhin mo;

Ang dami mong panahon, pero mabilis palang lumilipas, gaya ng ilang bagay na hindi mo na maalala dahil dumating na sa kanilang wakas.